Lover inutas, sekyu nag-suicide

MANILA, Philippines -  Pinatay muna ng selsosong sekyu na si Jason Riconse, 26, tubong Bukidnon ang kanyang live-in partner na si Gerrylen Taal, 20, at pagkatapos ay nagpagkamatay din ito naganap kahapon sa Brgy. Macabalan, Cagayan de Oro City.

Ang nagpatiwakal na security guard ay gumamit ng cal 9 MM sa pagbaril sa kanyang sentido. Ang maglive-in partner ay kapwa idineklarang dead on arrival sa Northern Mindanao Medical Center.

Sa ulat, bago naganap ang insidente pasado alas-12:00 ng tanghali sa loob ng pier na pinagtratrabahuhan ni Riconse ay nagtalo muna ang mga ito dahilan umano sa selos.

Show comments