Balasahan sa Gabinete sa 2013

MANILA, Philippines -  Magkakaroon nang balasahan sa Gabinte ng Aquino administration sa susunod na taon.

Ito ang ipinahiwatig ni Pangulong Benigno Aquino III sa dinner with the Malacañang repor­ters kamakalawa ng gabi na kung saan ay ilang miyembro ng Gabinete ang maaapektuhan ng revamp.

Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung sinu-sino ang mga ito na tatamaan sa isasagawang revamp sa susunod na taon.

Ikinatwiran ni P-Noy, ilan sa kanyang mga opisyal ay nais nang makasama ang kanilang pamilya at mamuhay ng pribadong buhay.

Show comments