National food plan kailangan na – Enrile

MANILA, Philippines - Kung hindi agad tutugu­nan ng pamahalaan ang prob­lema sa sapat na suplay ng pagkain ay posibleng ma­ging mas masahol pa sa pagharang sa mga food convoys sa ilang bahagi ng Davao ng mga nagugutom na biktima ng bagyong Pablo.

Ito ang  naging babala ni Cagayan First District Rep. Juan “Jack” C. Ponce Enrile Jr., na posibleng sumambulat sa mga darating na araw.

Aniya, nakalulungkot ang naturang eksena kung saan mistulang mga nagugutom na tao sa mahihirap na bansa sa Africa ang sitwasyon ng mga biktima sa kabila ng katotohanang mayaman sa likas na yaman ang bansa at hindi problema ang produksyon ng pagkain.

 “And unless we come up with a definite ‘national food action plan’ to address the problem of food availa­bility and access by those in critical need of them, we may just be seeing a taste of more worse things to come when civility and discipline breaks down. “As the saying goes: “A hungry stomach knows no law,” punto pa ni Enrile.

Bilang sagot sa problema, inihain ni Enrile ang HB 4626 na naglalayong itakda ang isang kumprehensibong programa sa sup­lay ng pagkain (compre­hensive national food avai­lability plan).

 Si Enrile ay punong tagapagtaguyod ng “food sovereignty” para sa mga Pilipino at isa sa mga na­ngu­ngunang kandidato sa Senado sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

Idinagdag pa ni Enrile, ang HB 4626 ay magsisil­bing “balangkas” para sa mga lider ng pamahalaan upang itaas ang antas ng produksyon ng pagkain partikular na sa kanayunan sa pamamagitan ng isang “makatotohanang” progra­ma sa agrikultura.

 Aniya pa, titiyakin din ng kanyang panukala na agarang may sapat na sup­lay ng pagkain sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad katulad ng mga lugar ngayon sa Mindanano na nabiktima ng bagyong Pablo.

Show comments