Tarlac Gov., 5 pa kinasuhan sa Ombudsman

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong graft ang isang private citizen laban kina Tarlac Gov.Victor  Yap; provincial administrator Roberto Ventura; provincial treasurer Victoria Salvador; Administrative Assistant Celia Aquino;  Provincial budget officer Lorenzo Macaraeg at Special Project Head Jess Navarro.

Nag-ugat ang kaso  sa reklamo ni Jesus Ronaldo Espinoza kung saan inakusahan nito si Aquino at  iba pa ng  Violation of Section 3(e) at (F)of R.A 3019. Ayon kay Espinoza, Oktubre 5, 2012 pa niya isinampa ang naturang kaso laban sa mga opisyal ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa itong aksyon.

Sa ngayon, naghihintay  na lamang si Espinoza ng resulta ng  evaluation  sa kaso upang agarang masuspinde ang natu­rang mga  matataas na opisyal ng probinsiya.

 

Show comments