MANILA, Philippines - Pinangunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang pagsasagawa ng muling pagsasanay kontra kalamidad sa mga lider komunidad sa lungsod.
Sa ilalim ng Joy of Public service ng bise alkalde, 12 dagdag trainings hinggil sa disaster risk reduction, climate change adaptation at emergency responde operations standards ang naipatupad ni Belmonte na nilahukan ng may 1,500 individual leaders ng QC na 50 percent nito ay pawang mga kababaihan at 15 percent ay mula sa youth
Sa pamamagitan ng trainings, nabigyan ng pangunahing kaalaman at standards ang mga nabanggit upang matutunan kung paano tumugon sa mga emergency cases at maipaalam din sa iba pang komunidad ang natutunan upang makaiwas sa epekto ng mga kalamidad.