Rocket launch ng NoKor bumagsak na sa Pinas

MANILA, Philippines - Bumagsak na sa hurisdiksyon ng bansa (Philippine area of responsibi­lity) sa bahagi ng Pacific Ocean ang debris matapos na maglunsad ng rocket sa himpapawid ang North Korea (NoKor) kahapon ng umaga.

Sinabi ni National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cu­tive Director Benito Ramos, kasalukuyan ng beneberipika ang lugar na binagsakan ng debris ng rocket sa karagatan.

Ayon kay Ramos, base sa inisyal na ulat bandang alas-8:45 ng umaga o 20 minuto matapos itong ilun­sad sa himpapawid kahapon ay bumulusok na may 300 kilometro sa ba­hagi ng karagatan sa hila­gang Luzon na nasa­sa­kupan ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa ang debris ng nasabing satellite.

Gayunman, ayon kay Ramos ay kasaluku­yan pang nagsasagawa ng beripikasyon ang ND­R­RMC kung nagkapirapi­raso  o buo pa ang bumagsak na debris ng rocket.

Ayon naman kay Pre­si­dential Spokesman Ed­win Lacierda, naki­ki­isa ang Pilipinas sa pag­kondena sa ginawa ng NoKor matapos ang rocket launch nito.

“The DPRK is in clear violation of UN Se­cu­rity Council Resolu­tions 1695 (2006), 1874 (2009) and 1718 (2006), which explicitly de­man­ded DPRK not to use or conduct any launch using ballistic missile technology and the sus­pension of its ballistic missile programme,” na­ka­saad pa sa statement ni Sec. Lacierda. – Joy Cantos, Ellen Fernando, Rudy Andal –

 

 

Show comments