^

Police Metro

Hindi ako nakatulog sa pagsigaw niya kaya pinatay ko siya… nag-estafa ng p25.00 ginilitan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Pinatay ko na siya upang hindi maulit pa ang ikalawang pag-es­tafa niya sa akin ng hala­gang P25.00.

Ito ang inamin ng 68-anyos na lolo sa pulis­ya matapos nitong gilitan sa leeg ang taxi driver na kanyang kapitbahay naganap kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ay nakilalang si Francisco Adina, 59, ng 1970 Obesis St., Pandacan.

Kusang loob na su­mu­ko ang suspek na nakila­lang si Aurelio La Madrid, runner sa tayang lotto at ka­­pit-kwarto ng biktima.

Batay sa imbestigas­yon ni PO1 Anthony Boncan, dakong alas-11:00 ng umaga habang may ginagawa ang biktima sa tapat ng kanilang bahay ay bigla na lamang itong sinugod ng suspek at sinaksak sa leeg.

Pagkasaksak ng suspek sa biktima ay sumuko agad ito kay Brgy. chairman Edmundo Tojon ng Brgy. 844, Zone 93, Pandacan.

Isinugod naman sa na­sabing ospital ang biktima ng mga kaanak, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

“Hindi ako nakatulog sa pagsigaw niya kasi da­­lawang beses na niya akong inestafa, ng P25.00 siningil ko siya nung isang araw, sinigawan ako na binayaran na niya raw ako kahit hindi, kaya kinabukasan inunahan ko na siya at sinaksak ko sa leeg, baka makabu­not pa kasi may baril
siya palaging sukbit,” anang suspek.

Inamin ng suspek na napasok na siya noong 1995 sa National Center for Mental Health. Nasa Bacolod umano ang kaniyang misis at nakikitira lamang sa kapatid.

vuukle comment

ANTHONY BONCAN

AURELIO LA MADRID

BRGY

EDMUNDO TOJON

FRANCISCO ADINA

MAYNILA

MENTAL HEALTH

NASA BACOLOD

PANDACAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with