Binata tigok sa saksak
MANILA, Philippines - Tigok ang isang binata makaraang saksakin ng isang hindi pa kilalang magnanakaw na sinasabing nagalit dahil naistorbo sa tangkang panloloob nito sa isang tindahan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Ang biktima ay nakilalang si Jefferson De Dios, 18, nakatira sa #18 Dahlia St., Brgy. Pagasa sa lungsod.
Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa Norma St., sa Brgy. Pagasa, ganap na alas-3:00 ng madaling araw.
Sinabi ni Efren Altarejos, kaibigan ng biktima, papauwi na sila nang makaramdam sila ng tawag ng kalikasan. Habang nagbabawas, napuna ni Altarejos ang isang lalaki sa madilim na bahagi ng nasabing lugar, malapit sa tindahan.
Nagpasya si Altarejos na tignan kung sino ang kahina-hinalang lalaki na nasa madilim na lugar gamit ang flashlight ng kanyang cellphone.
Paglapit ni Altajeros sa lalaki ay nakita niyang galit na galit ito at bumunot ng patalim kaya siya nagtatakbo pero naiwan si De Dios kaya siya ang pinagsasaksak ng suspek.
- Latest