MANILA, Philippines - Todas ang isang kolektor nang siya ay barilin makaraang pumalag at manlaban sa dalawang holdaper na sakay ng isang motorsiklo na nangholdap sa kanya sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay nasawi habang ginagamot sa Chinese General Hospital ay nakilalang si Jonathan Cruz, 32, ng #72 M.Blas St. Extension, Hulo, Malabon.
Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez, naganap ang panghoholdap sa biktima dakong alas-4:30 ng hapon sa Felix Huertas, Sta. Cruz, malapit sa palengke ng Blumentrit.
Ayon sa report, naglalakad ang biktima dala ang P.7 milyon koleksiyon mula sa idineliber na panindang manok sa mga tindera sa Blumentrit market nang lapitan siya ng dalawang suspek at nagdeklara ng holdap, pero nanlaban ito kaya siya binaril sa ulo.