^

Police Metro

Mass burial ayaw ng DOH

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ayaw ng pamunuan ng Department of  Health (DOH) sa mass burial sa mga naging biktima ng hagupit ng bagyong ‘Pablo’.

Sinabi ni Dr. Lyndon Lee-Suy, chief ng Emerging and Re-emerging Diseases,  sa oras na mamatay ang isang tao ay hindi naman na lilipat ang mga mikrobyo nito sa katawan ng mga buhay.

Ayon kay Lee-Suy, hindi pa maituturing na isang banta sa kalusugan sakaling hindi agad mailibing ang mga bangkay na biktima ng mga flashflood sa Compostela Valley at Davao Oriental dulot ng bagyong Pablo.

Aniya, mas mabuting mabigyan ng maayos na libing ang mga biktima pero kung iyon umano ang opsyon ng mga local government ay wala naman silang magagawa.

Una ng napaulat na binigyan na umano ng taning ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kaanak ng mga biktima ng flashflood sa Compostela Valley at Davao Oriental para kilalanin ang mga bangkay dahil magsasagawa na sila ng mass grave.

ANIYA

AYAW

AYON

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

DR. LYNDON LEE-SUY

EMERGING AND RE

LEE-SUY

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with