Datos ng SMI, makatutulong laban sa kalamidad
MANILA, Philippines - Sinabi ng isang eksperto sa water resources engineering, hydrological environments at climate conditions na magagamit ng local government units (LGUs) ang datos na natipon ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) para sa environmental impact assessment nito para sa mga estratehiya kung paano mapipigilan ang kalamidad sa mga komunidad.
“Ang limang taong rainfall pattern ay maaaring gamitin para mapigil ang pagbaha at gayundin ang mga kalamidad sanhi ng weather disturbances”, ayon kay Dr. Roy Soriano.
Binanggit din ni Soriano na pangunahing susi rin para sa mga estratehiya laban sa kalamidad ang rainfall pattern data na tinipon naman ng isang malaking agro-industrial multinational company sa South Cotabato.
“Maaaring aktuwal na makipagtulungan ang LGUs sa mga kompanyang ito sa South Cotabato para hilingin ang mga natipong datos,” sabi ni Soriano na nasangkot sa mga proyektong pagtasa sa mga pagbaha, disenyo sa paggamit ng tubig at analisis sa mga pag-ulan sa Tumaga River Basin sa Zamboanga, Lipadas River basin sa Davao del Sur at Silway-Popong-Sinsual watershed sa South Cotabato.
Sinabi pa ng eksperto na ang automatic weather stations (AWS) na inilagay ng SMI ay napakaepektibo at estratehikong pagkukunan ng datos sa panahon at susi para mapangasiwaan ang mga kalamidad.
- Latest