MANILA, Philippines - Upang kahit bahagya ay makatulong sa pagpapaluwag sa daily ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ay inumpisahan na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng “total truck ban” .
Nilinaw ni MMDA Chairman Francis Tolentino na wala nang “window hours” na ipinatutupad sila sa buong EDSA sa buong linggo mula Lunes hanggang Linggo.
Bahagi umano ang total truck ban sa EDSA ng “modified truck ban” na inaprubahan ng Special Traffic Committee ng Metro Manila Council noong Disyembre 3.
Kaya’t pansamantalang hindi muna ipatutupad mula Disyembre 7 hanggang Enero 6, 2013 ang lumang truck ban na pinapayagan ang mga truck na makaraan ng EDSA mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.
Hindi naman kabilang sa truck ban sa EDSA ang mga truck na may lulang mga produktong nasisira o napapanis tulad ng pagkain, gulay, prutas at iba pa.