Sundalo natagpuang patay sa barracks

MANILA, Philippines - Isang sundalo ang natagpuang patay sa loob ng barracks nito malapit sa Soldiers Mall (SM) sa loob ng Camp Aguinaldo, Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Airman 1st Class Jason Reforsado, 26, nakatalaga sa Military Police Company sa punong himpilan ng AFP.

Si Reforsado ng Phi­lippine Air Force (PAF) ay may tatlong taon, 2 buwan at 21 araw sa serbisyo, may-asawa at tubong Bansud, Oriental Mindoro.

Sa inisyal na imbestigasyon pasado alas-12:00 ng madaling araw nang umalingawngaw ang ma­lakas na putok ng baril sa loob ng barracks ni Reforsado na ikinagulantang ng nagising nitong mga kasamahang sundalo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung aksidenteng nabaril ng biktima ang sarili o sad­yang nag-suicide.

 

Show comments