5 dayuhan kinasuhan sa pagpupuslit ng 17 kilong droga

MANILA, Philippines - Limang dayuhan na na­hulihan nang 17 kilong droga na nagkakahalaga ng mahigit P88 milyon sa Ninoy Aquino International Airport noong Oktubre ang pormal na sinampahan ng kaso ng Bureau of Customs sa Department of Justice kahapon.

Sa ulat ni Customs Commissioner Ruffy Bia­zon, ang mga kinasuhan nila ay sina Napaporm Khamsa, Thai national na nahulihan ng 3.2558 kilong shabu na nagkakahalaga ng P16,279,450.00 milyon noong Oktubre 20, 2012; Raphirat Sukkasem, nakum­piskahan ng 2.988 kilong shabu, na nagkakahalaga ng P14,940,000.00 milyon noong Oktubre 21, 2012; Yi Wei Tan,Taiwanese national, nahulihan naman ng Keta­mine Hydrochloride, na nagkakahalaga ng P28 mil­yon noong Oktubre 29, 2012; Pham Thi Anh Tuyet, Vietna­mese national, nakumpiskahan naman ng shabu, na nagkakahalaga ng P13,313,000.00 ng nabanggit pa  ring petsa at Indonesian national na si  Dwi Wu­landri ay nahulihan ng  8.737 kgs. ng cocaine, na nagkakahalaga ng P43,685,000.00 noong   Oktubre 29 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Biazon, ang  mga suspek ay lumabag sa Section 3601 in re­lation to section 101 and Section 2530 of the Tariffs and Customs Code of the Philippines, as amended, and the Com­prehensive Dan­gerous Drugs Act of 2002.

 

Show comments