Bangsamoro framework agreement unsconstitutional

MANILA, Philippines - Naghain ng 24 pahinang petition for certiorari ang mga petisyuner para sa pag­basura ng Korte Suprema.

Ayon sa mga petisyuner na may ‘grave abuse of dis­cretion’ sa panig ng Go­vernment Peace Panel na isa nang paglabag mismo ng pamahalaan sa Sali­gang Batas, kaya hi­ni­ling na ideklarang ‘un­cons­titutional’.

Kabilang sa nagpetisyon ay sina Rev. Vicente Libra­dores Aquino; Rev. Mercidita Redoble at International Ministries for Perfect and Party Against Communism and Terrorism Inc. (Imppact, Inc.) sa pamamagitan ng presidente nitong si Atty. Elly Pamatong.

Nakapaloob umano sa framework agreement ang pagbuo ng Bangsamoro government sa limang lala­wigan, na kinabibilangan ng Basilan, Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu at Tawi-Tawi at mga lunsod ng  Ma­rawi,  Cotabato at  Isabela at mga munisipalidad sa  North Cotabato.

Kinukuwestiyon ni Pamatong kung bakit sa Malaysia pa ginawa ang dayalogo para sa GPH-MILF peace talk gayung hindi naman maituturing na neutral party ang Malaysia dahil sa paghahabol sa Sabah Island na pag-aari ng Pilipinas.

Naniniwala si Pamatong na may sariling interes ang Malaysia sa  pag-broker sa nasabing usapan sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at MILF.

 

Show comments