PI sa kaso ni San Pedro, isinalang na
MANILA, Philippines - Isinalang na sa Preliminary Investigation (PI) ng Office of the Ombudsman ang limang kaso ng graft and corruption na kinakaharap ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro.
Napag-alaman na noong Pebrero 20, 2012 ay isinampa ang kaso na may kinalaman sa umano’y kuwestiyunableng proyekto ng pamahalaang lungsod na bilyon piso umano ang halaga.
Sa 90-pahinang complaint affidavit ni Abel Samabat, dating chairman ng bids and awards committee ng lungsod, nakasaad ang umano’y overpricing, hindi dumaan sa bidding, ilang “ghost project” at ilang malapit na kaanak at kaibigan nito ang nakapasok at humawak sa mga kontrata ng ilang proyekto ng city hall, na isa umanong paglabag sa batas.
Ayon kay Samabat, sa kabila na hindi rin umano inaprubahan ng Commission on Audit (COA) ay naipatupad umano ang proyekto.
Inatasan na ng Ombudsman ang kampo ng alkalde na sagutin ang akusasyon laban sa kanya.
- Latest