^

Police Metro

PO1 tepok sa salpok ng SPO1

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis na sakay ng motorsiklo ang nasawi matapos na ma­sal­pok ng sasakyan ng isang kabaro kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng highway ng KM 2, Baan, Butuan City, Agusan del Norte.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Butuan City Medical Center  matapos na magtamo ng malubhang sugat sa kaniyang ulo ang biktimang si PO1 Rommel Casilagan, 27.

Kinasuhan naman ng reckless imprudence resulting to homicide ang nakabangga rito na si SPO1 Dennis Serrano.

Base sa imbestigasyon, ka­salukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang Honda XRM motorcycle (KJ -9332 )  nang mabangga ito ng KIA Carnival (KED 441 ) na minamaneho ni Serrano sa bisinidad ng nasabing lugar.

Hindi umano napansin ni Serrano ang motorsiklo ni Casilagan matapos na ku­maliwa kaya’t nagbanggaan.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sa motorsiklo si Casilagan na humampas pa ang ulo sa espaltadong kalsada.

 

 

vuukle comment

AGUSAN

BAAN

BUTUAN CITY

BUTUAN CITY MEDICAL CENTER

CASILAGAN

DENNIS SERRANO

ISANG

KINASUHAN

NASAWI

ROMMEL CASILAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with