MANILA, Philippines - Inihayag ni Commission on Elections chairman Sixto Brillantes Jr., na nasa 79 partylist ang maaari nang sumabak sa halalan sa 2013.
Hindi na makakatakbo sa halalan ang incumbent partylists na 1 Utak;1 Kabagis at Senior Citizen Party at ALONA.
Natanggal umano ang mga ito matapos hindi kakitaan ng track record habang ang grupong Senior Citizen ay illegal term sharing ang naging problema.
Kabilang naman sa mga pinayagang makatakbo ang ilan sa mga kaalyado umano ni P-Noy na Akbayan, Anak Mindanao (ni ARMM Governor Mujiv Hataman) An Waray, Bagong Henerasyon, CIBAC (ni TESDA Director General Joel Villanueva) at YACAP.
Pasok din ang Abante Retirees, Magdalo, Pro-Life, 1 Ang Pamilya, Ang Kasangga, LPGMA at Ang Mata’y Aalagaan na kinakatawan ng mga kamag-anak ni Justice Presbitero Velasco.
Kung si Brillantes ang tatanungin, mas marami pa dapat ang natanggal sa listahan.
“I am not satisfied gusto ko na abolish lahat yan para walang eleksyon sa party list. Ok na rin to reduce the amount. I never imagined it will go down to 79”.