^

Police Metro

Street vendors gagawing legalsa Olongapo City

Pang-masa

MANILA, Philippines - Gagawin nang legal sa Olongapo City ang pag­lalako ng paninda ng mga street vendor sa paligid ng East Bajac Bajac (EBB) public market simula sa Dis­yembre 1.

Ito ay matapos maisa­ayos kamakailan ng pa­ma­halaang lokal ang iti­nalagang paglalagyan sa mga vendor sa mismo ring palengke kung saan hindi na magsisilbing sagabal sa mga mamimili at dumadaan na mga sasakyan.

Ayon kay Dr. Arnold Lopez, public market administrator, tugon ito sa nais ni Mayor James “Bong’’ Gordon, Jr. na ma­layang makapaghanapbuhay at magkaroon ng patas na oportunidad ang maliliit na negosyo sa lungsod.

Aniya, pangkalaha­tang pakinabang ng publiko ang nagbunsod sa Gordon administration na makaisip ng paraan upang maresolba ang problema ng illegal market vendors.

Sa pamamagitan nito ay  matitigil na ang reklamo ng mga konsumer at mga residente sa pagsisikip ng mga kalyeng nakapaligid sa naturang pamilihan na sanhi ng malaking abala sa kanila gayundin sa mga sasak­yang gumagamit sa mga ito.

Ikinatuwa naman ng mga market vendors ang solusyon na ipatutupad ng city hall.

 

ANIYA

AYON

DR. ARNOLD LOPEZ

EAST BAJAC BAJAC

GAGAWIN

GORDON

MAYOR JAMES

OLONGAPO CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with