2 kagawad nahulog sa kanal, patay

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang barangay kagawad matapos na aksidenteng tumi­lapon at nahulog  sa kanal ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng national road sa Divino Rostro, San Andres, Catanduanes kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Norvin Baynosa, 35 at ang backrider nitong si Eddie Samonte, 56, kapwa mga kagawad at residente ng Brgy. Mayngaway, San Andres ng lalawigan.

Sa ulat, bandang alas-3:35 ng madaling-araw ay kagagaling lamang ng da­lawang biktima sa Liga ng Barangay Night at sakay ng motorsiklo pauwi na sana sa kanilang bahay nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela si Samonte na siyang nagmamaneho ng motorsiklo at tuluy-tuloy na nahulog sa isang malalim na kanal sa tabi ng highway.

Show comments