MANILA, Philippines - Nasawi noon din ang security guard na si Michael Antonio Gabina, 21, matapos na mahati ang katawan nito nang mabangga at makaladkad ng tren kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.
Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga ay bibili ng almusal ang biktima nang tumawid ito sa riles at hindi napansin ang paparating na tren na nagmula sa Alabang na nasa kanya ng likuran kaya’t nabangga ito at nakaladkad hanggang sa mahati ang katawan.