MANILA, Philippines - Kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Abuse of Authority sa Office of the Ombudsman si Pangasinan, Alaminos City Mayor Hernani A. Braganza makaraang hindi umano nito
ilabas ang pondo ng barangay at kinumpiska pa umano nito ang may 11
barangay patrol service vehicle na isyu sa kanila ng pamahalaan.
Kinasuhan din sina Alaminos City Administrator Wilmer S. Panabang, Budget Officer Rowena F. Ruiz, City Treasurer Shirley R. dela Cruz at City Planning Development Officer Roel I. Anonuevo.
Ang mga nagsampa ng demanda ay sina Barangay Chairmans, Jessie B. Racraquin, Ester M. Bernal, Eusebio R. Fronda, Jr., Ronald C. Bautista, Milagros C. Payas, Joeffrey Orfinada, Samuel R. Alcantara, Trinidad R. Soriano, Victor C. Ranches, Mario P. Rabadonat Joe Regatcho.
Base sa reklamo, inipit at hindi umano ibinigay ni Braganza ang pondo mula noong 2010 hanggang 2012 sa mga barangay ng Amandiego, Balayang, Baleyadaan, Cayucay, Landoc, Pangapisan, Poblacion, SanVicente, Telbang, Victoria at Balangobong na aabot sa P1.7 milyon bilang kanilang Barangay Aid appropriations.
Ang inipit na pondo umano ni Braganza ay ‘yearly financial aid’ ng mga nabanggit na barangays na aprobado ng City Appropriation ordinance of 2010-2011.