5.2 na lindol sa Sultan Kudarat

MANILA, Philippine s- Iniulat kahapon ng Philip­pine Institute of Vol­cano­logy and Seismology (PHIVOLCS) ang pagyanig ng magnitude 5.2 na lindol sa Sultan Kudarat.

Ayon sa PHIVOLCS, ang sentro ng pagyanig ay naramdaman sa kanlurang bahagi ng Kalamansig, Sultan Kudarat, ganap na alas-4:28 ng umaga.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 612 km. Wala namang nasawi, nasaktan at nasirang ari-arian sa nasabing lindol.

 

Show comments