Ama at pulitiko nanliligaw na ng mga botante

MANILA, Philippines - Bagama’t malayo pa ang araw ng kampanya para sa 2013 elections ay nanliligaw na ang isang pulitiko at ama nito sa kanilang mga empleyado.

Sinabi ng ilang ka­wani na sinusundo at dina­dala ang ilan nilang kasamahan sa isang resort sa Calamba City, Laguna upang suyuin umano  ng ama ng puliti­ko na halos mapaluha ito sa pa­kiusap na bigyan pa ng huling pagkakataon na mu­ling mailuklok sa puwesto ang anak.

Ilang daycare tea­chers din ay dinala naman umano sa Portofino na mata­tag­puan sa Daang Hari, Bacoor, Cavite at binigyan umano ng pabaon na tig-P2,000 ang bawat isa.

Sinabi pa ng ilang ka­wani, na wala pa aniya ang ha­lalan ay gumagastos na ang pulitiko at ama para lang matiyak ang pagkapanalo bilang isang mataas na lider sa kanyang lungsod sa elections.

Show comments