Lalaki sinalpok ng trak at taxi1

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 38-anyos na lalaki matapos itong unang mabundol ng taxi habang tumatawid at pagbagsak sa kalsada ay nasagasaan ng 10-wheeler truck kaha­pon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Mario Basa, residente sa Brgy. San Roque sa lungsod.

Batay sa ulat, alas-2:30 ng madaling-araw ay tu­ma­tawid ang biktima sa kahabaan ng Edsa tapat ng Raymund Bus Terminal nang ito ay masalpok ng isang Sturdy taxi (UVB-566) na minamaneho ng isang Joel Fradejas, 44.

Sa lakas ng pagkabun­dol ay tumilapon ito at pagbagsak sa kalsada ay nasagasaan naman ng 10-wheeler truck (PMC-856) na minamaneho na­­man ng isang Ronald Dumdom, 23.

Ang dalawang driver ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

 

Show comments