MANILA, Philippines - Na-trap sa gumuhong minahan ng ginto ang may 12 minero matapos na pasukin ng tubig dagat noong Martes ng hapon sa Brgy.Palanas, Paracale, Camarines Norte.
Patuloy ang isinasagawang search and retrieval operations ng pamahalaan sa siyam pang minero matapos lumutang na ang bangkay ng tatlong minero na nakilala na sina Luis Policarpi, 33; Carlo de los Santos, 37 at isang tinukoy lamang sa alyas na Jay-Ar.
Ang mining operation ay ban sa lalawigan kaya nagsasagawa ang mga biktima ng guerilla type na pagmimina.
Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pagguho ng minahan ay sanhi ng biglang pagtaas ng high tide na galing sa dagat na pumasok sa nasabing minahan.