MANILA, Philippines - Naghain kahapon ng plagiarism complaint sa Senate Ethics Committee laban kay Senator Pia Cayetano dahil sa paggamit umano ng mga paragraphs o pahayag ni Health undersecretary Mario Villaverde sa presentation nito sa 7th National health Sector meeting noong Abril 2008 ng hindi nagpapaalam.
Nag-ugat ang reklamo sa mga kinopya umanong paragraphs mula sa presentation ni Villaverde na may pamagat na “Accelerating a Unified Strategy to Save Mothers, Newborns and Children”.
Ayon sa reklamo ng isang Alberto Loquez Ong Jr., nilabag umano ni Cayetano ang batas noong Pebruary 23, 2011.
Partikular na tinukoy sa reklamo ang mga sumusunod na paragraph: “Most mothers prefer to give birth at home with the assistance of Traditional Birth Attendants (TBAs). This becomes a problem since where mothers and newborn are distanced from life-saving interventions provided in health facilities by health professionals during intrapartum period, maternal and neonatal deaths are high” and Mothers do not routinely choose to deliver in health facilities and avail of professional services due to several barriers such as (1) hostile hospital system, (2) poor interpersonal skills of staff and (3) financial, physical, social and cultural constraints.”
Isinama rin sa reklamo ang kinopyang bahagi umano ng speech ni Cayetano noong June 6, 2012 sa privilege speech nito kaugnay sa World Environment Day.
Kinopya umano ni Cayetano ang statements ng United Nations Environment Programme ng walang binabanggit na attribution.