Kuya utas kay utol

MANILA, Philippines - Tinapos ng isang naka­babatang kapatid ang palaging hindi nila pagkakasundo ng kanyang kuya nang ito ay kanyang napatay sa saksak matapos ang mainitan nilang pagtatalo kamakalawa ng hapon sa labas ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Cezar Cristobal, 34, ng no.779 Carola St. Sampa­loc Maynila. Habang tumakas naman ang suspek na kapatid nitong si Crispin 32.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan, bago naganap ang krimen dakong alas-2:50 ng hapon ay nagsuntukan ang magkapatid matapos ang hindi pagkakaunawaan sa hindi pa batid na kadahilanan.

Habang nagsusuntukan ay biglang bumagsak ang biktima at na­kita ang pagsirit ng dugo nito buhat sa hita kaya’t dinala ito sa nasabing ospital, subalit namatay rin dahil tinamaan ang ugat sa hita ng biktima.

Nabatid na ang magkapatid ay kapwa ulila na sa mga magulang na laging nagtatalo at nagsusuntukan.

Show comments