Trak bumaliktad: 4 todas, 7 sugatan

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang apat na katao habang pito ang nasuga­tan ma­tapos ang kanilang sinasakyang trak na may kargang mga palay ay bumaliktad kamakalawa sa highway ng Barotac Viejo, Iloilo.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Raul dela Cruz, 45; Franklin Jamilarin, 18; Jose Penaflorida at Richard Consumo Jr., 28.

Nilalapatan naman ng lunas sa Dramon Tugbong Medical Center at Barotac Viejo District Hospital ang mga nasugatang sina Delmar Allanza, 19; Jonil dela Cruz, 19; Rolando Doquila, 45; Franklee Jamelarin, 16; Tito Basios; Joey Casipe, 16 at Jonel Casipe.

Batay sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi ay bina­bagtas ng six wheeler truck (FLD 904) na naka­rehisto kay Rey Grabato ang highway ng Brgy. Puerto Princesa nang uma­no ay mawalan ng kon­trol sa manibela ang driver.

Nawalan umano ng preno ang trak dahilan upang ito ay bumaliktad.

Show comments