MANILA, Philippines - Pinayagan ng Korte Suprema ang partylist group ni dating Army General Jovito Palparan at limang iba pa na makalahok sa halalan sa susunod na taon.
Sa katatapos na en-banc session ng mga mahistrado noong November 20, 2012, nilinaw na ang pinalabas na status quo ante order noon ay sumasakop din sa mga grupong Bantay ni Palparan at sa partylist groups na Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD), 1Brotherhood for Reform and Oneness-Philippine Guardians for Brotherhood Incorporated, Agapay ng Indigenous People’s Right Alliance (A-IPRA), Ako Agila sa Nagkakaisang Magsasaka (AKO Agila) at 1 Ganap/Guardians.