3 suspek sa Rodelas rape slay case binasahan nang sakdal

MANILA, Philippines  - Tikom ang mga bibig ng magkasintahang Althea Altamirano at Fernando Quiambao Jr., nang basa­han sila ng sakdal sa sala ni QC RTC Branch 223  Judge Caridad Lutero kaya’t ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea sa magnobyo na utak sa Rodelas rape slay case.

Nagpasok din  ng not guilty plea ang isa pang akusado na si Jaymar Wa­radje  

Bagamat noong una ay tinangka ng kampo ng mga akusado na harangin ang pagbasa ng sakdal dahil sa hinuli umano ang mga suspek nang walang warrant of arrest.

Naituloy din ang arraignment dahil sa sinabi ni Judge Lutero  na naka­kita ang korte ng probable cause sa kaso laban sa mga suspek kayat itinuloy ang arraignment.

Hindi naman nabasahan ng sakdal ang isa pang akusado sa krimen na si Gelan Pasawilan sa ka­song illegal possession of firearms and ammuni­tion dulot ng umanoy butas sa dokumentong hawak ng prosekusyon nang ihayag ng kampo ni Pasawilan na hindi na­kalagay sa referral ng police investigator ang mga sinasabing ebidensya katulad ng magazine ng baril at bilang ng mga bala.

 

Show comments