Nalo sa bilyar, tinusok ng tako

MANILA, Philippines - Isang taxi driver ang nasa kritikal na kondisyon makaraang tusukin ng pinutol na tako ng lalaking tinalo nito sa bilyar, ka­ha­pon ng umaga sa Calo­o­can City.

Ang biktima na ino­obserbahan sa Jose Re­yes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan ay kinilalang si Jonas Olarte, 56, driver ng Pollane taxi habang agad naaresto ng pulisya ang suspek na si Jonathan Pedro, 26-anyos, kapwa driver.

Sa ulat ng Caloocan Police, naglalaro ng bil­yar ang dalawa malapit sa garahe ng kanilang kumpanya ng taxi sa may Tullahan Road nang magkaasaran ang mga ito nang matalo ang suspek.

Sa init ng ulo, pinalo ng tako ng suspek si Olarte sanhi upang maputol ito.  Hindi pa nakuntento, tinusok sa katawan ni Pedro ang biktma ng ma­tulis na dulo ng tako.

 

Show comments