^

Police Metro

Biyuda nasalisihan ng P.8-M

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P800,000 na halaga ng pera at alahas ang nata­ngay sa isang biyuda ng dalawang miyembro ng Salisi gang kahapon ng tanghali sa Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Elvira Regal, 69, ng
Balete St., Molave Annex II, Molave Subd., Parañaque City.

Sa salaysay ng biktima kay SPO1 Marlon Maiso, ng CIU, nangyari ang insidente dakong ala-1:25 ng tanghali habang naghahanap umano siya ng
mapaparadahan ng kanyang kotse na Toyota Camry na may plakang XPN-530 sa parking lot ng Pacific Bldg., Ortigas Center, Pasig City.

Dito ay lumapit ang dalawang babae at sinabi umanong may nakasaksak na susi sa ‘back trunk hood’ ng kanyang sasak­yan kaya siya bumaba ng kotse para tingnan.

Habang nasa likuran ng sasakyan ang biyuda ay agad naman dinampot at
tinangay ng mga suspek ang kanyang bag na nag­lalaman ng mga alahas at
pera na aabot sa P800,000 at mabilis na tumakas.

vuukle comment

BALETE ST.

DITO

ELVIRA REGAL

MARLON MAISO

MOLAVE ANNEX

MOLAVE SUBD

ORTIGAS CENTER

PACIFIC BLDG

PASIG CITY

TOYOTA CAMRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with