Bayaw nag-amok: Guro tigok

MANILA, Philippines - Tigok ang isang guro makaraang pagbabarilin ng kanyang nag-amok na bayaw habang ang biktima ay papasok sa paaralan sa Naga City, Camarines Sur, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Shirley Dole Borre, 28 anyos, guro sa Camarines Sur High School,  na nakatira sa Caramoan, Naga City.

Dead-on the-spot ang guro dahil sa pitong tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Camarines Sur Police, naganap  ang insidente may ilang hakbang lamang sa pinagtuturuang eskuwelahan ng biktima bandang alas-6:30 ng umaga.

Ayon sa report, kasalukuyang papasok sa eskuwelahan ang guro nang biglang mag-amok ang suspek na si Moises Beronio, 35 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Poblacion, Garchitorena, Camarines Sur.

Sinasabing nagwala ang suspek nang matuklasang kinakaliwa siya ng kanyang misis at ang napagdiskitahan ng kanyang galit ay ang walang kamalay-malay na guro.

 

Show comments