MANILA, Philippines - Pinaulanan ng bala ng may sampung miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang sundalo sa naganap na ambush kamakalawa sa hangganan ng Brgy. Bugwak at Dalapan sa bayan Guipos, Zamboanga del Sur. Nasawi noon din ang biktimang si Corporal Anthony Bahala, miyembro ng Army’s 53rd Infantry Battalion (IB). Batay sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon ay lulan ng motorsiklo ang biktima galing sa Brgy. Dalapan at kasalukuyang pabalik na sa kanilang himpilan sa Brgy. Galapos nang tambangan ng mga NPA rebels.