MANILA, Philippines - Salain muna at alamin ang background ng itatalagang barangay tanod sa lugar upang makatiyak na mapagkakatiwalaan at nasangkot sa anumang uri ng krimen.
Ito ang naging payo kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa lahat ng Punong Barangay at inihalimbawa dito ang naganap na karumal-dumal na pagpatay sa tatlong babae na kinabibilangan ng bank executive, ina nito at kasambahay, sa Sta. Cruz, Maynila nitong nakalipas na Lunes ng madaling araw, ng naarestong suspek na si Nestor Felizalde Jr., ng Barangay 225, Zone 21, residente ng Camarines St., Sta. Cruz, Maynila na nakulong sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang ang pagnanakaw at paggamit ng iligal na droga. Siya ay huling napiit sa Manila City Jail noong 2004 hanggang 2008, sa kasong robbery-holdup.