MANILA, Philippines - Inayawan ni Supreme Court (SC) Associate Justice Diosdado Peralta ang paghawak sa P366 milyon na Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) fund scam na kinasasangkutan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang opisyal ng ahensiya.
Ang pag-ayaw ni Peralta ay dahil sa bayaw nito si Atty. Cornelio Aldon, tumatayong legal counsel ni dating PCSO Board of Directors Raymundo Roquero sa isinagawang Senate investigation hinggil sa PCSO fund scam.
Napag-alaman na si Roquero ay co-accused sa nasabing kaso na tumatayo ring petisyuner bago ang 15-man tribunal.
Maliban kay Roquero sangkot sin sa kaso sina Rosario Uriarte at Benigno Aguas, dating PCSO general manager at assistant general manager; Sergio Valencia; ex-PCSO chairman; at PCSO board members Manuel “Manoling” Morato, Jose Taruc V, Roquero, at Maria Fatima Valdez; at Reynaldo Villar, dating chairman ng COA.