^

Police Metro

Mega Job Fair sa kaarawan ni Recom

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng mega job fair si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri bilang kanyang regalo sa pagseselebra ng kanyang kaarawan upang matulungan ang mga residenteng naghahanap na trabaho.

Sa darating na Novem­ber 16 (Biyernes) ay magsasagawa ng mega job fair sa harapan ng city hall main na matatagpuan sa A. Mabini St. na sisimulan dakong alas 8:00 ng umaga at magtatapos bandang alas 4:00 ng hapon.

Sa darating namang November 28 (Miyer­ku­les) ay magkakaroon din ng mega job fair sa city hall annex na matatagpuan sa Zapote Road, Camarin II na sisimulan at matatapos din sa parehas na oras.

Hinikayat din ni Ma­yor Recom ang mga residenteng naghahanap ng mapapasukang trabaho na dumalo sa gaganaping mega job fair dahil sa pamamagitan nito ay hindi na kinakailangang magtungo ang mga apli­kante sa malalayong lugar para lamang makakuha ng kanilang ikabubuhay.

vuukle comment

BIYERNES

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

FAIR

HINIKAYAT

MABINI ST.

MAGSASAGAWA

MIYER

RECOM

SHY

ZAPOTE ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with