26 sugatan sa pagbaliktad ng bus

MANILA, Philippines - Aksidenteng bumaliktad ang isang pampasaherong bus na ikinasugat ng 26 katao kamakalawa ng gabi sa highway ng Tupi, South Cotabato.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bandang alas-7:00 ng gabi habang bumabagtas ang Husky bus (MVV-171) sa kahabaan ng Crossing sa highway ng Brgy. Rubber,Tupi ng lalawigan nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver dahil para ito ay bumaliktad.

 

Show comments