Ex-cop, anak utas sa tandem

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang retiradong pulis at anak nitong lalaki matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay noon din ang mag-amang sina dating SPO3 Romeo Descalso, 57, at anak na si Reymund, 17.

Batay sa ulat, dakong  alas-6:30 ng gabi sa Catmon St., ng nabanggit na lungsod ay sakay ang matandang Descalso sa tricycle na minamaneho ni Reymund nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang mga ito.

Inaalam pa ang motibo ng pamamaslang at pagkaka­kilanlan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Show comments