Estibador pinatay

MANILA, Philippines - Todas ang  isang 25-an­yos na estibador matapos si­yang barilin at saksakin ng tatlong hindi nakikilalang lalaki, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala  ni  SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Raffy Lucas, residente ng  #479, Parola Compound, Tondo,  Maynila . Dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng CM Recto Avenue at Carmen Planas St., sakop ng Tondo. Ayon sa pahayag ng kapatid ng biktimang  si Ricardo,  nakatayo umano ang kanyang kapatid nang lumapit ang isa sa suspek  at bigla na lang itong sinaksak.

Kahit may tama na ay pilit na sinalag ang susunod na saksak at nahawakan pa ang kamay ng may hawak na patalim nang mabilis namang barilin ng isa pang suspek.

 

Show comments