MANILA, Philippines - Umaabot sa 100 mahihirap na pamilya ang magpapasko sa lansangan matapos na masunog ang may 61 kabahayan kamakalawa sa Cul de Sac, Sun Valley, Parañaque City.
Batay sa ulat, nag-umpisa ang sunog dakong alas-11:30 kamakalawa ng tanghali nang maiwanang bukas ang kalan sa isa sa mga bahay sa naturang lugar.
Agad na kumalat ang apoy sa mga karatig na bahay na pawang gawa sa “light materials” at umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago ito naapula ng mga bumbero dakong ala-1:20 na ng hapon.
Nagtamo naman ng mga “minor burns” sina Kim Gangoso, 10-anyos, Fred Seriola, 50-anyos, at Manuel Arboleda, 4-anyos, habang wala namang naiulat na nasawi.