^

Police Metro

Karambola ng 11 sasakyan: 1 todas, 8 sugatan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider ng motorsiklo habang walo ang nasugatan makaraang suyurin ng isang 16 wheeler truck na nawalan ng preno ang 11 sasakyan na buma­bagtas sa C5 Road sakop ng Makati City kahapon.

Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa pagdurog ng ulo nito kahit na naka-crash helmet na si James Pan Cuaderno, nasa hustong gulang habang isinugod sa Ospital ng Makati ang walo pang biktima na karamihan ay mga bata.

Nadakip naman ang driver ng trak na nakilalang si Normalito Rombua na ikinatwiran na nawalan umano ng preno ang kanyang minamanehong sasakyan.

Sa inisyal na ulat ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority naganap ang insidente pasado alas-4:00 ng hapon sa northbound lane ng C5 Road Brgy. East Rembo, Makati sa tapat ng Market! Market Mall.

Bigla umanong nawalan ng kontrol ang naturang trak kaya napilitan si Rombua na ibangga ito sa pader ng fly-over ngunit natumbok pa rin ang grupo ng mga nakamotorsiklo at iba pang sasakyan kabilang ang ilang sports utility vehicle.

BIGLA

EAST REMBO

JAMES PAN CUADERNO

MAKATI

MAKATI CITY

MARKET MALL

METROPOLITAN MANILA DEVE

NADAKIP

NORMALITO ROMBUA

ROAD BRGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with