Pagbili ng bangus ni Abalos sa Taiwan nabulilyaso

MANILA, Philippines - Hindi pinayagan ng Pasay City Regional Trial Court si dating Commission on Election Chairman Benjamin Abalos Sr., na makalabas ng  bansa patungong Taiwan matapos na ibasura ang petisyon nito dahil sa patuloy na dinidinig ang kasong electoral sabotage ukol sa dayaan noong 2007 elections.

Sa inilabas na desisyon ni Judge Jesus Mupas ng RTC Branch 112, walang nakitang sapat na dahilan ang korte para magtungo ng apat na araw ngayong buwan si Abalos na nag­sabing bibili ng mga “fin­gerlings” ng bangus na mas mura umano sa Taiwan.

Sinabi rin nito na sapat naman umano ang suplay ng bangus “fingerlings” sa lokal na merkado base sa sertipikasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kaya walang rason na nakikita ang korte para umalis si Abalos.

Isinampa ni Abalos ang naturang mosyon noong Oktubre 18 at ikinatwiran na makikipagpulong umano siya sa mga ne­gosyante sa Taiwan ukol sa bangus fingerlings na ibinibenta ng mga ito ng higit na mura sa presyuhan sa merkado ng Pilipinas.

 

 

Show comments