P1-M halaga ng bigas hinaydyak ng ‘2 pulis’

MANILA, Philippines - Hinaydyak ng dalawang lalaki na nagpakilalang pulis ang isang 16-wheeler truck na naglalaman ng mga sako ng bigas na umaabot sa P1-milyong piso kahapon ng madaling-araw sa Antipolo City, Rizal.

Ayon sa may-ari ng truck (RDT-551) na si Josephine Gomez, ganap na alas-2:00 ng madaling nang maganap ang insidente sa Barangay Mayamot ng lungsod na kung saan ay nakatakda sanang ideliber ang may 840 kaban ng bigas sa Marikina nang parahin ng dalawang lalaki na nagpakilalang parak.
Pagkahinto ng sasakyan ay agad umanong tinutukan ng baril ng mga suspek ang driver at pahinante saka sila pinababa ng sasakyan.
Minaneho naman ng isa sa mga suspek ang truck at pinasibat patungo sa direksiyon ng Maynila.

 

Show comments