MANILA, Philippines - Ang mga residente ang umaresto kay Chief Inspector Lorenzo Bacia matapos itong magwala sa kanyang lugar sa Brgy. Hipodromo, Iloilo City kamakalawa ng gabi.
Nabatid na si Bacia na nagpapalipat ng destino sa labas ng Police Regional Office (PRO) 6 ay nag-amok sa compound sa Benhur Apartment at dito ay pinagwawasak ang mga kasangkapan sa kaniyang apartment na inihahagis nito sa labas ng compound tulad ng mga silya at iba pang kagamitan na lumikha ng alarma sa mga katabi nitong apartment.
Bunga nito ay inaresto ng mga sibilyang kapitbahay sa pamumuno ni Jose Casim Armorsolo si Bacia at itinurnover sa pulisya.