Smugglers ng ‘floating glass’ kinasuhan sa DOJ

MANILA, Philippines - Sinampahan ng Bureau of Customs (BoC) ng kasong smuggling sa Dept. of Justice ang isang trader at isang broker sa Cebu dahil sa umano’y sa pag-smuggled ng “floating glass” na ginagamit sa building construction at nagkakahalaga ng P30 milyon.

Ayon kay Customs Com­missioner Ruffy Bia­zon ang mga suspek na sina Sanshane Barita, may-ari ng CBS Import-Export at broker nito na si Diorito Alberca, pawang mga taga-Mandaue, Cebu na sinampahan ng kasong pag­labag sa Section 3602 and  2530,  Tariffs and Customs Code of the Philippines.

Base sa rekord ng BoC, tinangka umanong ipuslit ng mga suspek  ang 25 na twenty-footer container van na naglalaman ng “float glass” na nagmula pa sa China na idineklarang victory clear glass nang ito ay dumating at masabat sa Port of Davao noong nakalipas na Set­yembre 14.

 

Show comments