Lasenggerong kuya tinodas ni utol

MANILA, Philippines - Tinapos na ng isang na­kababatang kapatid ang ginagawang pananakit ng kanyang kuya kapag nala­lasing nang ito ay kanyang barilin sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo kamakalawa sa bayan ng Cabugao, Ilocos Sur. Nasawi noon din ang biktimang si Jimmy Sania­tan, 45-anyos dahil sa tama ng bala ng homemade na paltik sa katawan.

Nadakip at nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Dominador Saniatan, 38.

Batay sa ulat, alas-3:00 ng madaling-araw sa bahay ng magulang ng magkapatid sa Brgy. Daclapan, Cabugao ng lalawigang ito ay lasing ang biktima at nagwawala at binantaan na muling sasaktang ang suspek.

Dahil sa ayaw na uma­nong maulit pa ang ginagawang pananakit ng biktima sa kanila tuwing ito ay  malalasing ay kinuha nito ang baril na paltik at binaril ang kuya.

Show comments