^

Police Metro

Mga Pinoy sa US pabor sa pagkapanalo MULI ni Obama

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas pabor umano sa mga Pinoy sa US ang mu­ling pagkapanalo ni President Barack Obama.

Ito ang paniniwala nina Senators Panfilo Lacson at Lito Lapid dahil pumapabor si Obama sa mga immigrants.

Ayon kay Lapid, base sa kaniyang mga naririnig sa mga interview ng mga Pinoy sa Amerika, mala­king bagay para sa mga Filipino sa US ang pagka-panalo ni Obama.

Sinabi naman ni Lacson na tiyak na nagbu­bunyi ang mga Filipino sa Amerika dahil isang Democrat ang nanalo na mas mabait umano sa mga immigrants.

Malaking tulong din aniya sa bansa ang mahigit na 2 milyong immigrants na nasa Amerika na nagpa­padala rin ng dolyar sa bansa.

Pero, inamin ni Lacson na mas pinapanigan niya ang Republican dahil mas proactive umano ang mga ito at mas mahigpit pagdating sa seguridad hindi lamang ng Amerika kundi ng mundo.

 

AMERIKA

AYON

LACSON

LITO LAPID

OBAMA

PINOY

PRESIDENT BARACK OBAMA

SENATORS PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with