Ex-cop, 1 pa tiklo sa shabu bust

MANILA, Philippines - Mahigit sa P100,000.00 halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa isinagawang buy bust ope­ration na ikinasawi ng dalawang lalaki kabilang ang isang dating pulis kamakalawa sa General Santos City.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na dating pulis na sina Johnny Tancinco, 48, ng Villegas Subdivision, Brgy. San Isidro ng lungsod at Johnny Betonio, 22, Cannery Site, Polomolok, South Cotabato.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi nang mag­sagawa ng operasyon ang mga elemento ng Regional Special Investigation Detection Team, Re­gional Intelligence Management Division ng Po­lice Regional Office 12 at Station 4 ng General San­tos City Police at dinakip ang mga suspek habang nagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer ng mga pulis.

Show comments